To Cheer Up,

Wala akong load kaya hindi kita mareplyan :) Alam kong mababasa mo to kaya dito ko na lang sasabihin.

Salamat sa..

Pakikinig sa akin,

Pagpapaiyak mo sa akin,

Pag-iyak mo dahil umiiyak ako,

Pagpapatahan sa akin,

Pagsasabi ng tunay na nangyari,

Pagsasabi ng iniisip mo tungkol dun,

Pagsama sa akin sa jeep kahit lampas ka na sa bababaan mo hanggang sa hindi na ako umiiyak,

Paniniguradong hindi ako iiyak bago ka bumaba,

Pagtetext na wag akong iiyak kasi di kita kasama at walang magpapatahan sa akin,

Pagtetext sa akin pagkarating ko sa bahay,

Pagsosorry na wala ka sa tabi ko ngayon,

Pagsabi sa akin ng dapat kong gawin,

Pag-aappreciate ng ginawa ko sayo,

Pagpapatawa sa akin.

Ngunit sa lahat,

Salamat sa..

Pagiging sandigan ko sa panahong hindi ko na kaya at akala kong wala akong kasama

Hindi panghuhusga sa pagdradrama ng isang”masayahin at bangag” na tulad ko

Salamat kaibigan :)

Always,

Me

PS: Nga pala, ikaw ang sinisisi ko sa constellation sa noo ko, sa pugto kong mata at di paawat na sipon. Galing mo magpaiyak :) Pero, Salamat. Kailangan ko nun.