ei tips o facts sa kanya?

@Anonymous

Masyado kang curious. Panalangin mo na lang na hindi ako nyan mapapatay. Haha. Anyway..

Facts about Naojii:

  1. Mahilig syang kumain ng yelo. As in kumain. Kaya gustong-gusto nya sa Mcdo kasi madaming yelo.
  2. Favorite nya ang duo ng chocolate at caramel na sundae.
  3. Hindi sya nakain sa ibang lugar ng hindi kanyang sariling dala na kutsara at tinidor o kaya ay disposable spoon and fork.
  4. Hindi sya nainom ng hindi nakaboteng tubig. Yung mga mineral. Favorite nya ay Wilkins.
  5. Favorite color nya ay green. Specifically, moss green.
  6. Ginagawa nyang bookmark ang pera. Specifically, 100 peso bill.
  7. Nangongolekta sya ng 2001 na 10 peso coin at ipinagpapalit for money.
  8. Di sya nakain ng marshmallows at mayonaise. Pag nakain sya ng marshmallows, nasasamid sya at pag mayonaise naman, nabaliktad sikmura nya (talented ang sikmura nya eh.)
  9. Pero nakain sya ng Choco Mallows at Wiggles.
  10. Malabo (as in) ang mata nya. Pag kulay green ang mata nya, nakakakita yan ng ayos. Pero pag pink, bulag yan (at masayang pagtripan)
  11. Favorite libro nya ay Daddy Long Legs.
  12. Favorite candy nya ay Max(tama ba ang spelling? haha) na RED. As in, specific yung kulay. Di pwedeng hindi red. Araw araw yang nakain ng max na red.
  13. Hindi sya nahawak sa mga door knob, railings, you know, the like. Basta yung ganun. Kasi daw madumi yun. Kaya di sya pwedeng pumunta ng CR mag-isa kasi di nya mahahawakan ang door knob. (madalas pagtripan naman syang magkakabarkada. Iniiwan namin sa CR. HAHA. Pero yun, nakakalabas pa rin. Naghihintay lang sya ng susunod na lalabas)
  14. Favorite nya ang boiled peanuts at tsaka mais. Yung nakikita mo sa tabi-tabi dyan.
  15. Pag nasa SM sya, hindi pwedeng hindi sya dadaan sa anime section at tsaka sa shoe section. Otaku yan eh tsaka mahilig sa fashion.
  16. Kahit gaano sya kayaman, pagdating sa jeep, lagi syang walang barya XD
  17. Iced Tea lang ang iniinom nya beside sa tubig. Favorite nya ang Lipton Iced Tea ng Pizza Hut pero pinakagusto nya ay yung nasa Thailand.
  18. 18-20 seconds ang normal span nya ng pagbabasa ng two pages ng isang book.
  19. Favorite nyang classical book at movie ay Pride and Prejudice.
  20. Favorite nya si Hannah Montana.
  21. Favorite nya ang stars.
  22. Mahina ang reflexes nya. As in. (pero minsan nung second year kami, naiwasan nya ng walang kahirap-hirap ang bola ng volleyball. Ang kewl pa ng pagkakaiwas nya to the point na nagpalakpakan ang mga volleyball players)
  23. Ang pabango nya ay Sweet Honesty. favorite daw nya yun. (if i know, nakikigaya lang sya sa kuya nya.)
  24. favorite din nya ang palabok :)
  25. Favorite anime ay Alice Academy.
  26. Favorite rock band ay Muse.
  27. Hindi pa sya nagkakaboyfriend.
  28. Magaling syang magsinungaling.
  29. Madalas nyang nakakalimutan magbayad sa jeep (pero naaalala nya sa last minute kaya nakakapgbayad sya. haha)
  30. Insomniac yan. Hindi mo na madidistinguish kung ilang oras ang tulog nya dahil may aura na talaga sya ng zombie. haha (peace wanna :D)
  31. Mahilig yan sa nail art.
  32. Ang favorite nyang classical music ay kay Lizst at ayaw nya kay Brahms (o bitter lang talaga)
  33. Hindi sya nakain ng gravy ng Greenwich pero favorite nya ang sa mcdo at kfc.
  34. Ayaw nya sa Chowking at Flavours of China.
  35. Di pwedeng wala syang soup pag nakain. At usually, dalwa lagi ang inoorder nyang soup. 
  36. Favorite nya si Sheldon Copper ng Big Bang Theory.

Yan na. Namental block na ako. HAHA. Madami pa yan, wala na lang talaga akong mahalukay na facts sa utak ko XD

  1. 4thwingromance posted this