pwede bang makuha ang number ni naojii? at saka, nagpapaligaw ba siya?
@AnonymousHAHAHAHAHAHAHA! TEKA! TATAWA MUNA AKO! HAHAHAHAHAHAHAHAHAAH!

Okay na. HAHA. Anyway, hindi pwede eh. Unang una, hindi ako namimigay ng number ng may number. Privacy na rin.
Pangalawa, mapapatay ako nun. Mild acts pa nga lang, kawawa na ako sa hampas at batok nya, ano pa kaya pag pinamigay ko ang number nya? Wag na no. Lab ko buhay ko :DD
And last at pinakaimportante, MAKUHA MO MAN NUMBER NYA, WALA KANG MAPAPALANG REPLY SA KANYA. Di ako eksaherada. Tunay yan. Himala pag nagtetext yan. Once every two months nyan ata naiisipang magload. May load man, hihintayin nya lang maexpire. :D Kung replyan ka nya, hanga na ako sayo pramis. Hindi nga ako nyan itetext hangga’t hindi ako nawawala ng walang paalam. Partida na, close friend ko yan XD
And about sa panliligaw, eh di ligawan mo! HAHA. Good luck lang. Mataas standards nyan eh. Bibigyan kita ng 18 hours tops tapos susuko ka na rin. Pero kung gusto mo, pwede mong gawin ang kalugod-lugod na gawaing iyan XD
