Ay potek, wala akong barya.
by: Dominic
Tapos na ang klase. Unti-unting nauubos ang mga tao sa loob ng classroom hanggang sa kami na lang ang natira. Pagkaubos ng mga tao sa classroom, tsaka pa kami nagkayayaang umalis. Ngunit sa paglalakad namin sa 3rd floor, may nakita kami na nagsanhi sa pagtigil namin sa paglalakad. Isang babae.
“Sya yung hinintay nya. Nung crush mo simula 1st year.” sabi ni Sheena
“Ha? Anong sinasabi mo?” sagot ko naman.
“Sya yung hinintay nya sa 711. Ni Dominic.”
“Sinong Dominic?” Bagamat takang-taka na ako sa mga salitang namutawi sa labi ng aking asawa (hahahahah!), mayroon na akong ideya.
“Baka naman ********!” singit naman ni Wannabe.
Wagas ang tawanan namin sa pagkakamaling iyon ng aming bangag na kaibigan. Oo nga at magkatunog ng bahagya ang dalwang pangalan, pero kahiya hiya pa rin ang pagkakamali na yun.
Lumabas na kami ng school para maghintay ng jeep. Sa aming paghihintay, nagkakapauyuhan kami kung bibili kami ng calamares na walang humpay kung mang-akit. Sa huli, nagkwek kwek na lang kami.
Ngunit bago yun, di inaasahang parating sa aming direksyon si “Dominic”. Bilang isang normal na reaksyon, nabigla ako at nanalanging mabilis lang ang kanyang pagdaan. Utang na loob! Napagpasyahan nyang bumili ng calamares na malapit lang sa aming kinaroroonan. Karma.
Nagbuklat sya ng kanyang wallet at nagtingin ng pera. Makalipas ang konting segundo napabulalas lang sya ng, “Lintyak! wala akong barya!” Mukhang inis na inis sya sa pangyayaring yuon at badtrip na umalis mula sa stand ng calamares.
Okay. Nabobobo na ako sa ginagawa ko. HAHA. Anyway..
Ito namang si Sheena, agad nang kinwento sa amin ang pangyayaring yun na nakita din namin. At dahil nga may pagkabangag si Eena, napakinig kami ni Dominic! Ayos! Bistado! Pero ang luka, di paawat. Tawa pa rin ng tawa. And for the next 4 hours, hindi pa rin sya makamove on sa pangyayaring yun na kahit nasa library na kami, dinidissect pa rin nya ang reaction ni Dominic sa pangyayaring yun. Hanggang pag-uwi namin, yun pa rin ang gusto nyang pag-usupan. Nakahithit ata XD
